Habang tumatanda tayo mas lumalaki ang mga problemang kinakaharap natin, minsan we are wishing na sana bata nalang ulit tayo, kasi mas madali at mas simple ang mga problema natin nung bata pa tayo, pero nung mga panahong yun akala natin na napaka bigat na ng pinag dadaanan natin, kaya ngayon mapapangiti ka nalang pag naiisip mo ang mga simpleng problema natin nung bata tayo ay bata pa.
Ito ang ilan sa mga problemang kinaharap natin nung tayo ay bata pa:
Mag Tasa - akala ng magulang natin na kumakain tayo ng lapis kasi lagi nalang maliit agad ang lapis na gamit mo kahit kabibili lang nito. akala nila na trip mo lang patulisin at tasahan ang bago mong lapis, pero ang totoo sadyang mabilis maputol ang lapis kahit habang tinatasahan mo palang napuputol na agad.
(Photo by: 1freewallpaper.com)
Assignments - isa ito sa pinaka malaking problemang halos araw-araw nating kinakaharap, hindi dahil sa hindi natin kayang gawin, it's just that nakakainis gawin dahil hindi tayo makapag laro or hindi makapanuod na TV, minsan nalilimutan natin gawin or sinasadya natin kalimutan para lang unahin natin mag laro or manood.
(Photo by: archive.fabacademy.org)
Mag Sipilyo bago matulog - nakakatamad mag sipilyo lalo na pag antok na antok kana dahil sa kabusugan or dahil sa kapaguran mag laro, parang gusto mo pa malasahan pag gising mo ang ulam nyo kagabi, kaya iyan tuloy madalas sumakit ang ngipin mo ngayon.
(Photo by: southdavidskids.com)
Gumising ng maaga - sadyang napaka hirap gusing ng maaga, pakiramdam mong masakit ang katawan mo kakalaro kahapon, lagi ka nalang merong dahilan na hindi ka makakapasok pero ang totoo, gusto mo lang matulog pa muna.
(Photo by: story.motherhood.com.my)
Bag full of books - struggle is real, napakabigat, kuba kana mag lakad, bakit kasi kailangan mo dalhin lahat ng books mo? hindi naman lahat gagamitin sa school, besides nag pinapasulat naman ng teacher mo sa board or note book mo kung ano ang nasa libro diba?
(Photo by: 123rf.com)
Bullies - hanggang ngayon naiinis ka padin sa batang minsan ay nang api sayo, ayaw mo iaccept ang friend request nya sa facebook at hindi ka umaatend ng reunion nyo dahil sakanya.
(Photo by: greatschool.org)
Mag Sulat - isa ito sa pinaka malaking problema mo, bukod sa nakakangawit, hindi ka din makakalabas ng room hanggat hindi ka tapos, ang nakakainis pa, meron ka ng libro, meron ng photo copy pero kailangan mo paring isulat.
(Photo by: andrewdouch.wordpress.com)
Pito ng Tatay mo - natatakot ka agad at kinakabahan pag pinituhan kana ng tatay mo, akala mo lagi meron ka nagawang mali, minsan naman naiinis ka kasi alam mong uutusan ka lang, lalo na kapag busy ka sa pag lalaro.
(Photo by: youtube.com)
Curfew - madilim na nasa lansangan kapa, ayaw mo padin huminto sa pag lalaro kahit nagugutom kana, madalas ka tuloy sabunin ng nanay mo or kung minsan umaabot sa paluan kapag badtrip ang nanay mo.
(Photo by: y105fm.com)
Baon - bukod sa tinapay at juice na pinapadala sayo sa school, binibigyan ka din ng pera para kung sakaling magutom ka or meron kayo babayaran sa school, pero kapag recess na, pinoproblema mo kung mamimili kaba ng pag kain or uunahin mo mamili ng POGS, TEKS, GOMA or JOLEN.
(Photo by: alysonschafer.com)
Mag hugas ng plato - isa ito sa dahilan kung bakit minsan ayaw mo ng bakasyon, pero mas madalas mo itong problema kapag naipasa na ito sa iyo ng ate or kuya mo.
(Photo by: 123rf.com)
Changing the TV channel - mapapaiyak ka nalang kapag inilipat na ang channel ng TV sa basketball,boxing,balita or drama, hindi mo na naman mapapanood si GOKOU, EUGENE at SAKURAGI.
(Photo by: brafton.com)
Mahal na araw - malungkot ang bakasyon nato lalo na kapag tapos na ang swimming at family gatherings, kasi walang palabas na cartoons, maliban sa Super Book.
(Photo by: avemariaradio.net)
Pag tulog sa tanghali - ito ang pinaka malaking problema tuwing walang pasok, napaka hirap matulog sa tanghali, madami kang gusto gawin maliban sa pag tulog, gusto mo ienjoy ang araw na walang pasok, pero you need to take a nap, kaya kung minsan nag tutulog-tulugan ka nalang. ang maganda, merong nag aabang na meryenda pag gising mo diba.
(Photo by: vitalrecord.tamhsc.edu)
But now pakiramdam mo nakapag bakasyon ka kapag naka tulog ka sa tanghali.
Sigurado akong nag karoon ka ng msayang kabataan kapag naranasan mo din ang mga problemang ito.