SOUQ

Saturday, June 1, 2019

90's kids High School Life

Sabi nga nila, ang highschool daw ang pinaka masayang parte ng pag aaral, marami kasing memorable na pangyayari at mga bagay na hindi mo akalaing magagawa mo noon, mapapangiti ka nalang pag naiisip mo, ito ang ilan sa mga kalokohan na nagawa mo nung ikaw ay highschool.

1. Cutting Classes - maraming dahilan kung bakit ka hindi pumapasok, maaring ayaw pumasok kasi ikaw ang mag re-recite, natatakot ka mag exam kasi hindi ka nag review, meron kayong practice ng mga kagrupo mo sa sayaw or sa banda, mag susugal ka, nasa bilyaran ka, meron kang date sa math park or parang trip mo lang muna tumambay at mag isa sa canteen, kahit ano pa yan, siguradong namiss ka ng teacher mo.

2. May Bag pero walang papel - hindi naman sa mahirap kayo, pero ang laki laki ng ADIDAS mong bag, pero wala kang papel or notebook, kasi ang laman lang nyan ay pulbos, panyo, sumbrero at pabango. oh! nangingiti ka, hindi ka pla nag iisa.

3. Over the bakod papasok - papasok ka palang kalokohan agad!, kasi sabi ng itim na slocks dapat ang uniform pero naka maong ka na elephant, sabi ng black shoes pero naka NIKE CORTEZ ka, kundi ka ba naman makulit!!?? kaya iyon, late kana agad sa unang class mo diba?

4. Long Hair - nakksss!!! haba ng buhok, ai bakit ganun meron gupit sa gilid, hahaha, napansin ka nanaman ng teacher mo, nag practice maging barbero, dapat nga naman kasi 3 fingers above the ears ang buhok, may kulay kapa, idol mo ang NSYNC at Moffats, kala mo and pogi mo noh??? haha

5. Note book at assignment - at dahil pasahan ng notebook at assignment bukas, gagamitin mo na ang killer smile mo at ang iyong charm sa napakasipag, napakabait at pinaka simple mong bestfriend para maka kopya ka, at ang matindi pinasulat mo pa sakanya!!!grabe ka!!haha..

6. Ginebra San miguel - dito mo unang natikman ang alak, ang iba sa inyo nasuka, namula at namantal...yung iba hindi pa nka uwe sa bahay nila, or ung iba napalo ng magulang..haha

7. Mentol Muna-  hahaha!!! alam nyo na agad noh, wala pa ako sinasabi pero nka ngiti kana.. karamihan satin nag simula sa HOPE, PHILLIP MORRIS or FORTUNE, mausok,mahaba at malamig sa lalamunan, hehehe, minsan hati pa kayo ng tropa mo  kasi nahihilo kapa,hahaha

8. Ayaw mo mag baon ng kanin - syempre binata kana, ayaw mo na mag bit-bit ng baunan, jahe naman sa mga chix diba? haha, dahil hindi naman kayo kayamanan, lagi mo nalang pag kain ng lunch ay tortang talong ni aleng nena with unlimited catsup or toyo.,haha

9. Mall - bago kayo umuwi mag mamalling muna kayo ng tropa, tingin tingin ng mga damit, palamig sa aircon, tapos yung natitirang limang piso sa baon mo pang bibili mo ng ice cream or fish ball sa labas ng mall. hahaha, susyal!!!

10. Slam book - sino ba naman sa atin ang hindi naka pirma ng slam book? ang dami dami mong kailangan sagutan, pero ang tinitignan lang naman ng mga classmate at tropa mo ay WHO IS YOUR CRUSH? aminin...

11. Abaniko - kalalaki mong tao ikaw pa ang hindi nawawalan ng pamaypay, hahaha, hindi dahil sa naiinitan ka, pero isa ito sa pinaka madaling paraan para makatabi mo ang crush mo diba?haha

12. Talent - gusto mo matutunan lahat, gitara, dance group or banda..Hindi dahil mahilig ka sa mga ito, gusto mo matuto kasi you want to be FAMOUS!!.. hehehe

13. Relasyon - naku!! dito nasira ang buhay mo, muntik kana hindi nakapag college, aung iba satin maaga nag karoon ng anak, akala mo kasi noon hindi kana makakahanap ng iba, akala mo noon kaya nyo na, kaya iyon si mama at papa muna ang bahala baby natin.. pero ngayon, natuto kana, nag sumikap at naka hanap na ng tunay na kaparehas.


Madami pang kalokohan na nag pakulay ng ating HIGH SCHOOL LIFE, pero dahil halos lahat ng ito ay naranasan natin at natuto na tayo sa mga ito, sigurado akong magiging mabuti tayong magulang at tagapag lalay sa mga bagong henirayon.


Kung meron pa kayong masasayang kalokohan comment lang kayo sa ibaba.


2 comments:

pantet said...

yung cat tpos wlang ayaw humawak n officer kse lhat ng kaklase mo matatanda na lowest section kapa. pg pinahirapan s cat aabangan s lbas hahaha

Rainelinious said...

Aakyatin ang bakod ng school makapag cutting Lang Tapos kasama mga tropa inum nag gin pomelo pag May budget pero pag wala talaga kahit gin at tubig nalang Basta makainum kahit tanghaling tapat, sobrang init walang paki. Hhahahah